Monday, November 19, 2012

~BARKADA~ 

Ito ay i isang grupo
BLG ang pangalan nito
Sila ay biglaang nabuo 
Na walang sinuman ang nagbuklod nito. 
Sino nga ba naman ang mag-aakala
Na magkakasama at magkakasundo sila! 
Nag umpisa lang naman sila na hindi magkakakilala  
At walang pakialam sa isa't isa. 


Nang mag-umpisa na silang magsama
Sama-sama rin nilang hinaharap ang kanilang
mga problema.
Sa lahat ng bagay sila ay nagtutulungan
Sa mga pagsubok hindi rin sila nag iiwanan.
One for all! All for one! parang ganyan
Ang kanilang sumpaan.
Ang sumpungan ay hindi maiiwasan
Pero hindi rin naman nila matiis ang mag-iwasan.
Kapag sila'y magsama-sama na
Abot langit ang kanilang tuwa.



 Siyempre mawawala ba naman
ang may magmamahalan
At hindi rin maiwasan na may masasaktan
Kaya nandiyan lang silang lahat para magdamayan.
Kung may mabigo man sa pag-ibig?
At kung may bagong umiibig
All support ang lahat ng barkada
Dahil kung saan ang isa masaya
Ay doon na din sila.
Ganyan ang grupong BLG
Nandiyan lang para magdamayan 
at magtulungan
Dahil wala nang makakabuwag 
ng aming samahan!!!

No comments:

Post a Comment